Powered by Bravenet Bravenet Blog

Tag Board

chat: Sohbet IRC Network
sohbet: Sohbet IRC Network
dekorasyon ankara: I like your site very much
ArenaBetting.com dukung fair play FIFA world cup AFSEL 2010: Nice Post Entry. Thank's for Shared My Blog.
Kindle Covers: Great Websites, Im love to bookmark!
Indonesia Java International Destination: Great Websites. Thank You!
Astaga.com lifestyle on the net: Blogwalking and was here by optimizing Astaga.com lifestyle on the net.Thanks
john: Hot mo potah ka!!!!Sex nlang kaya tau pra malaman mo kung gano kasarap ang akin.....Cguradong masasarapan ka sa akin!!!
darwin estefan: mkikitingin

Please type in the four characters shown in the black box.

Tuesday, September 11th 2007

11:58 AM

Erap ... e ano?

Di pa ba kayo nagsasawa? Ginagamit lang tayo ng mga pulitiko. Kunwari pinaglalaban ang ating mga karapatan, pero sa totoo lang ay minamanipula lamang ang ating mga puso't damdamin upang magamit nila tayo para sa kanilang mga power-games.

Tignan niyo tong zirkoh na umusbong palibot ng pagbaba ng hatol kay erap. E, pucha, nagkansela pa ng mga klase. Mas importante pa ba sa mga administrador ng mga skwelahan na mapanuod nila ang televised event na ito, kesa mag turo sa mga bata?

Ang paghatol ba kay erap ay isang significant national event na makakaapekto sa buhay ng bayan? Hinde uy. Himayin natin.

Halimbawa, napawalang sala si erap. E ano? Sabi ng mga tagakahol niya, ito'y uuga sa pundasyon ng gobyerno. Paano? Natapos na yung gobyernong nabuo dahil sa pagpapatalsik ni erap. Ang gobyernong ito ay tinatag ng isang halalan. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin tungkol sa kabuktutan ng halalan ng 2004, di pa rin magbabago ang katotohanan na may colorable claim to a mandate si arroyo. at ito ay hiwalay sa kanyang unang pag-assume ng presidency bilang VP.

Isa pa, ang kaso ay para sa korupsyon. Bagaman yun ang bintang na naging mitsa sa pagiging pangulo ni erap, hindi yun ang naging dahilan kung bakit naagaw ni arroyo ang kapangyarihan. Ang pagkatupok ng presidencia ni erap ay ang kanyan paglisan sa malakanyang. Nang iniwan niya ang palasyo niya, para niyan na ring isinuko ang pagiging pangulo. Anu pala ang gusto niya mangyari nung umalis siya sa malakanyang? Saan siya nag punta? At bakit di niya sinugod ang edsa para sampalsampalin si arroyo, si pimentel, si abad, si davide, at kung sinu-sino pa?

Hindi siya nagpunta dahil wala na siyang alipores natutulong sa kanya. nagtago siya. at iyong di niya pag sipot sa edsa ay isa pang pako sa ataul ng presidencia niya. Kung nanlaban man lang siya, kahit symbolic lang, kahit walang pag-asang magtagumpay, para lamang ipaalam sa mga milyun-milyong bumoto sa kanya na pinaninindigan pa rin niya ang pagkahalal sa kanya bilang pangulo, mas kapanipaniwala pa siguro ang kanyang claim to power. E kaso wala.

Mahaba na yan, pero saan diyan ang usapin ng korupsyon? Wala. Kung mapawalang sala man siya ngayon, ibig sabihin nagkamali ang mga tao sa kanilang akusasyon sa kaniya nuon (lalo na yung asong ang pangalan ay tito guingona), ngunit hindi nito mabubura ang katotohanan na siya mismo ang bumitaw (ke balak niyang bumitaw o medyo nainitan lang ng kaunti kaya't napaluwag ang hawak niya sa presidenica, problema niya yun).

Ang kaisaisahang banta sa gobyerno, sakaling mahatulan ng not guilty si erap ay ang banta ng kaguluhan mula sa mga tagasunod ni erap. yun lang. at iyon ay hamong pisikal hindi legal. Ibig sabihin, mabawi man ng mga pro-erap ang gobyerno sa pamamaraan ng paghimagsik (drama!) kakailanganin pa rin nilang magdeklara ng rebolusyonaryiong gobyerno upang maibasura nila ang constitution at makasulat ng bagong saligang batas na magbibigay ng lehitimasiya sa kanilang himagsikan (which, like pancho villa's, will be televised).


E kung guilty? Ganun din. Rebolusyon (drama na naman!) din ang nagiisang tunay na banta sa gobyerno.

Pero tignan niyo. Ke guilty o not, wala namang epekto sa atin. Sure, madedepress ng konti ang merkado 9ngayon pa lang, tumaas na ang palitan ng dolyar), pero hihirap pa ba tayo lalo? Siguradong hindi natin ikakayaman ang pagtatapos ng trial ni erap, pero may tsansa man lang ba na umayos ang buhay natin? Wala rin naman e.

So bakit tayo excited?

Excited tayo kasi kailangan ng mga pulitko na excited tayo para pag dating ng panahon, meron silang shock troops. pag talo si erap, i-mobilize ang mga magagalit para makwestiyon ang desisyon, para umalma laban sa "pag-oopress" ng pamahalaan, para magingay sa kalye. Kung panalo, i-mobilize naman ng gobyerno ang mga alipores niya, para makwestiyon ang desisyon, para umalma laban sa pagpapalaya ng isang mangongotong, para magingay sa kalye. Pare pareho lang sila. At ang benipisyo lang natin ay yung libreng t-shirt at lugaw sa rally.

Excited tayo kasi pinasabik tayo ng media. Pinsabik tayo ng media para makabenta sila ng dyaryo. Pinasabik tayo ng media kasi mas madali gumawa ng artikulo tungkol sa mga reaksiyon ng masa, tungkol sa reaksiyon ng mga pulitiko, tungkol sa mga pinag-aaway na personalidad, kesa sa tunay na reporting.

Excited tayo kasi mababaw tayo. Dahil mahilig tayo sa mga ganitong "epic struggles between god and evil." dahil mababaw ang pagkakaintindi natin sa demokrasya.

Teka lang. Tang'ina. Kailangan ko na pala matulog. Baka di ko mapanuod yung desisyon bukas.
19 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Monday, September 10th 2007

1:21 AM

Purple Haze

Purple haze all in my brain
Lately things just dont seem the same
Actin funny, but I dont know why
scuse me while I kiss the sky

jimi hendrix


kawawa namn yung batang namatay sa hazing kamakailan. nakikiramay ako sa pamilya niya. pero ako din nadaan din ako sa hazing. nabugbog din ako, naduraan, natadyakan, nakatikim ng halik ng paddle, at napaso ng sigarilyo. di naman ako namatay.

taon taon, marami ang pumapasok sa mga frat at soro na pinagdadaanan ang hazing. hindi rin sila namamatay. isang konklusyon lang ang posible: hindi hazing ang nakakamatay, kundi ang mga master na nagsasagawa nito.

pwede nating kundinahin ang sistema ng frat, ngunit hindi nito mabibigyan ng solusyon ang problema. hangga't merong sistema, legal man o ilegal, kung saan may master at neophyte (anu man ang tawag sa kanila), ay magkakaroon ng posibilidad na may mamamatay.

napakahirap na sistema ito. walang batas na makakaabot sa madidilim na kwarto ng initiation. sa punto yun, habang ika'y naka-blindfold, ang maasahan mo lang talaga ay ang mga senior. maraming hindi nakakaintindi sa konseptong ito.

ang hazing ay katumbas ng training ng mga marines. hindi siya para primarily mag-instill ng brotherhood, side-effect lang yan. ang tunay na pakay ng hazing ay ang pag-sira ng iyong individuality. kapag nabasag na ang ego mo, pwede ka nang i-rebuild sa imahe ng isang brod. ibabalik sa iyo ang pagkatao mo kasama ng leksiyon na walang brod na maaring mag-survive ng mag-isa, kailangan tulong tulong. kailangan, pwede kang maasahan ng brod at kailangang umasa ka rin na pikit mata kang tutulongan ng brod. sa ganyang paraan, nagiging parte ka ng frat.

ngunit, kung minsan, sumasablay ang sistema. mayroong ilang master ang sobrang manggigil sa neophyte, at hindi nababantayan ng ibang master na mas mahinahon. yan ang recipe para sa hazing-death. kung swerte ka, at wala kang ginawa upang mapaginitan ka ng mga senior, siyento porsiyentong makakalusot ka sa hazing kapag dating ng initiation. kapag minalas-malas ka, at may nakaaway kang master, o may senior member na hindi nagustuhan ang pag-aasta mo, o may nabastos kang babae na syota pala ng isang master, o kung anu-ano pa, ingat ka. baka dapat magdalawang isip ka na.

iyan siguro ang dapat na ginawa nung bata sa UP. dapat nagdalawang isip siya bago niya sinuong ang magulong buhay ng neophyte. gayun pa man, hindi niya kasalanan ang pagkamatay niya. at hindi rin ito kasalanan ng frat system.

kasalanan ito ng mga indibidwal na nakalimot sa kanilang mga sarili.

kasalanan ito ng mga indibidwal na nagkulang sa kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga neophyte.

10 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Sunday, September 9th 2007

11:35 AM

Komentarista

Tunay na nakakatawa ang ilang mga komentarista (hindi lahat, syempre) sa blog ni mlq3. Biro mo ba naman, lahat ng topic na ibato ng apo ni Quezon e pinapatos. At ang mga komento, aba! Kala mo mga dalubhasa lahat.

E ano ba ang nakakatawa dun? Where do I start?

Unang una, napakaseryoso nilang mga komentarista. Or, to be more precise, masyado nilang sineseryoso ang mga sarili nila, samantalang karamihan naman ng komentaryo nila ay mga quote galing sa kung anu-anong white paper na nahanap nila sa google o wikipedia, na may sundot na sarkasmo o pamimilosopo. O kung hindi man quote, ay obvious naman na first-impression reactions lamang sa mga nabasa nila. At ang pinaka-malala, ay yung mga reaksiyon na bagaman hango lamang sa personal na karanasan ay pino-project nila bilang universal truth.

Pangalawa, karamihan sa mga komentaristang tinutukoy ko ay ginagamit ang mga artikulo ni mlq3 upang ipagmayabang ang kani-kanilang mga credentials at i-share kuno ang kanilang mga personal na general knowledge. Sus. Ito yung mga tipong opinyon na inaayawan ng kanilang dino-dyos na wikipedia.

Nakakatawa talaga. Ngunit, nakakalungkot din. Nagiging barberya tuloy ang blog ng apo ni Quezon.

Tahanan ng sari-saring kwentung barbero.

ang kwentong barbero, kung tutuusin ay ang pagsisikap ng mga taong hanapan o gawaan ng eksplanasyon ang mga bagay-bagay na di nila lubos na naiintindihan. para bagang mga bulag na nagde-describe ng elepante. wala namang masama sa kwentong barbero dahil, katulad rin nung mga bulag, ang bawat obserbasyon o opinyon ay may sariling validity bagaman hindi kumpleto dahil hindi nga hindi tine-take into consideration yung big picture. Hindi yung kwentong barbero per se ang pinagtatawanan ko. Ang pinagtatawanan ko ay yung mga taong masyadong sineseryoso ang mga sarili nila. sa sobrang bilib sa sariling boses, lahat kailangan komentuhan, kahit na wala naman talagang maikokontribute, para lang magtunog magaling.

At napagusapan na rin lang ang mga kwentong barbero, na realize ko na pwede na palang bumuo ng singing group ang ilang mga komentarista ng apo ni quezon. Pwede silang magtayo ng barbershop quartet!

Founding members: cvj, bencard, supremo, at devilsadvc8. Sayang, walang mga link sina bencard at supremo. Maganda sanang makita kung meron silang panunulat, maliban sa kanilang mga komento.

parasite n.) [pair-AH-site] an organism that grows, feeds, and lives on or in another oganism to whose survival it contributes nothing.




14 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Friday, September 7th 2007

9:36 PM

High school pa lang Powtah na!

Kung bakloosh ka o pa-merkanong teenager, siguradong nakapanood ka ng High School Musical sa Disney Channel. O di kaya isa ka sa mga flag-wavers na naha-high tuwing merong isang sumikat na artista sa merika na may kahit katititng na dugong pinoy.

Anu pa man, ang poste na ito ay tungkol sa isa sa mga artista sa Hisgh School Musical: ang half-pinay (all powtah) na si Vanessa Hudgens.

Ang bata kinunan ng litrato ang sariling nakahubo't hubad at ipinadala raw sa boypreng si Zac Ephron (dapat ko pa ba ikwento ito? Nasa inquirer na ata ito, di ba?). Kamalasmalasan, umabot sa internet ang kanyang mga larawan at ayun! Sikat na talaga siya.

Nung una, may mga pagdududa pa kung orig nga ba yung litrato. Alam nyo naman, with photoshop, kahit si Gloria tumatangkad. Ngunit, sabi ng site na ito, sinulatan daw sila ng mga abogado ni Hudgens upang ipatanggal yung mga litrato sa site na yun. Kaya, mukhang orig nga talaga.

Kaya't heto, mga manyak. Enjoy. Wag lang papahuli sa mga boss niyo.






26 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Friday, September 7th 2007

3:09 AM

Mura

Isa sa pinakamababaw na uri ng pang-iinsulto ay ang paggamit ng mga salitang bulgar o mga mura. Nakakatawa nga siya ngunit ito ay senyales ng kawalan ng imahinasyon o kakulangan ng talino. Halimbawa, sa isang blog na kamakailan ay nangahas akong pasukin bilang si "3rdson,"  ito ang sinabi sa akin:

3rdson,

Mas maganda siguro lung palitan mo amg handle mo to Turdson.

Mas madaling ma-aalala ng tao kasi mas tugma sa produkto ng utak mo.


Siyempre, sa tingin nya, clever siya. Ngunit pansinin ninyo, imbis na gantihan ako ng tunay na insulto (o pagmamaliit sa aking mga kakayanan, kalagayan sa buhay, katalinuhan, etc), pinili niyang i-characterize ang mga pinagsasabi ko bilang ebak. Yan ang pinakamadaling gawin sa lahat ng bagay dahl hindi na yan nangangailangan ng imahinasyon. simpleng substitution lang ang kailangan. kahit na ba ang IQ mo ay single digit lang, kayang kaya mo na yan.

Ang mabuting masasabi ko lang tungkol dito sa attempt na ito ay nakakaaliw ang kaniyang pun. Ngunit bilang insulto, on a scale of one to ten, ito'y may ranggong 3. Walang imahinasyon at halatang hindi pinagisipan.
0 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Thursday, September 6th 2007

9:57 AM

Tip for the day

Maghanap ka ng mapagpapraktisan ng mga insulto mo. Yung hindi ka sasampalin o babayagan. Tandaan: ang pang-iinsulto ay parang utak. Kinakalawang pag hindi ginagamit.
2 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Thursday, September 6th 2007

9:43 AM

subtlety

Tang'ina. di ko talaga malaman kung ano ang subtlety sa tagalog. basta, alam nyo na iyon. kung hindi man, anong ginagawa ng diksyonaryo?

Ang 'subtlety' ang isang palatandaan ng mahusay na insulto. Nakakatawa ang insultong garapal (e.g., pangit ka! bobo ka!) pero ito'y nakakatawa lamang sa paraang 'slapstick' kung tawagin. Ka-hilera ito ng pagsampal ng keyk sa mukha ng tao o sa pagsaboy ng pulbos o tubig (katulad ng makikita sa eat bulaga). Sa madaling sabi, medyo jologs. baduy. bakya.

Sa kabilang banda, ang isang subtle na insulto ay yung sobrang swabe ang delivery na sa unang pandinig ay magdududa kang nainsulto ka.

Halimbawa:

"Naka-make-up ka ba miss?"

"Oo."

"Mas maganda nga siguro yun."

Ang pinaka okey ay ung insultong maaring mong ikambyo. Pero siyempre, kahit sa kambyo, dapat may sundot pa rin.

"Ibig mo sabihin pangit ako?"

"Hindi. Ibig ko sabihin, maganda ka pag nakamake-up. Pormal na pormal."




4 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh

Thursday, September 6th 2007

3:34 AM

Insulto

Isa sa pinaka under-rated na uri ng sining ngayon ay ang sining ng pang-iinsulto. Kala niyo ba, madali mang-insulto? Aba, hindi. Madaling mag-attempt, pero hindi madaling maging effective. Kadalasan, yung mga attempt nga, nakakatawa pa, kaya't imbes na mainsulto yung recipient ay na-a-amuse pa.

Marami pang kakaining bigas ang ating mga kababayan pagdating sa sining ng pang-iinsulto. Kaya, heto at susubukan kong mag-share ng mga sari-saring tip, para sa ikauunlad ng sining na ito. 
0 Insult(s) / Insultuhin mo'ko babeh